YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 05, 2016

Aklan PNP ikinatuwa ang pagsuko ng mga drug user sa probinsya

Posted July 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 
    
Image result for Philippine National Police (PNP)Ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) sa probinsya ng Aklan ang boluntaryong pagsuko ng ilang mga drug user sa lalawigan.

Sa tala ng mga pulis nasa mahigit tatlumpu na ang mga gumagamit ng illegal na droga ang sumuko sa kanilang mga lugar na kinabibilangan ng bayan ng Makato, Nabas, Ibajay at Malay.

Agad namang isinailalim sa drug test ang mga sinasabing drug user matapos silang papirmahin at nangakong hindi na ulit gagamit ng droga.

Samantala, ang pagsuko umano ng mga ito ay dahil sa nais na nilang magbago sa seryosong kampanya ni President Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.

Ang Aklan PNP ay mahigit na nangangampanya para sa ikakasugpo ng lahat ng mga drug user sa probinsya sa loob ng anim na buwan simula ng pag-upo ng bagong Pangulo ng bansa.

No comments:

Post a Comment