Thursday, July 07, 2016

Problema sa kalsada sa Boracay, tutukan ng bagong administrasyon ng Malay

Posted July 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
                 
Image result for road construction“Hukay dito, Hukay doon.”
Ito ang mariing sinabi ni Mayor Ceciron Cawaling sa kanyang pag-upo bilang bagong alkalde ng bayan ng Malay.

Partikular sa tinutukoy ng alkalde ay ang mga ginagawang hukay at construction sa mga kalsada sa isla ng Boracay na nagdudulot umano ng matinding trapiko at mga pagbaha.

Dahil dito nais ni Cawaling na kailangan munang dumaan sa kanya ang mga nagsasagawa ng paghuhukay sa isla na kinabibilangan ng TIEZA at BIWC o mag-presenta ng plano sa LGU bago gawin ang mga construction.  

Nagreresulta umano kasi ito ng matinding trapik sa isla ng Boracay kung saan wala manlang inilatag na traffic re-routing.

Samantala, hinikayat nito ang bawat isa na makipagtulungan sa kanyang administrasyon upang makamit ang maayos na pamamalakad sa bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment