Tuesday, July 05, 2016

Island check-in sa Jetty Port, planong ipatayo

Posted July 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for caticlan jetty portPlano ngayon umanong patayuan ng Island check-in ang Caticlan Jetty Port.

Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, nais umano nilang  magpatayo ng Island check-in sa Caticlan Jetty Port ito’y para sa mga turista na naghihintay ng kanilang flight papauwi sa kanilang mga lugar.

Nabatid, na nais nila itong ipatupad para sa lahat ng mga pasaherong naghihintay sa kanilang mga flight, kung saan meron silang pansamantalang matulayan.

Subali’t, ang nasabing proyekto ay magkakaroon naman umano ng konting babayaran sa kung sino man ang mag-a-avail nito.

Samantala, sinabi pa ni Maquirang na marami pa silang mga development na gagawin sa Caticlan Jetty Port.

No comments:

Post a Comment