Posted July 9, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Wala ng buhay ang isang security guard matapos itong
barilin ng tatlong hindi nakilalang suspek sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay.
Nakilala ang biktima na si Reynold Sarandin, Liason
Officer ng Security Agency at residente ng
Brgy. Aranas, Balete.
Sa blotter report ng Boracay PNP, may kumatok umano sa
gate ng kanilang pinag-tatrabahuhan at sa pagbukas nga ng biktima ay dito na
siya binaril ng mga suspek.
Nabatid na sinubukan pa umanong lumayo ng biktima sa mga
suspek ngunit natumba na ito at hindi na
nakatayo pa.
Napag-alaman na ginantihan pa umano ng kasamahang
security guard ang mga suspek ngunit mabilis ding tumakas sa lugar.
Samanatala, narekober naman sa Scene of the Crime
Operation (SOCO) ang .38 caliber na baril na may anim na bala, 3 fired
cartridge ng 12 gauge shot gun, 14 fired cartridge ng hindi nakilalang baril at
7 live ammos ng caliber 38 pistol sa
bulsa ng biktima.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Boracay Tourist
Assistance Center o (BTAC) sa nangyaring insedente.
Sa ngayon pansamantalang nakahimlay ang katawan ng
biktima sa Prado Funeral Homes sa bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment