Tuesday, January 12, 2016

Boracay PNP, may bago ng OIC

Posted January 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Mainit ang ginawang pag-welcome ng mga taga Boracay PNP sa pagbabalik ni PSI Nilo Morallos bilang bagong Officer In-Charge ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).


Ito’y matapos niyang palitan si PSI Fidel Gentallan na umupo ding OIC ng BTAC sa loob ng ilang buwan na ngayon ay nailipat na sa bayan ng Lezo sa Aklan.

Ayon kay SP01 Christopher Mendoza, PCR PNCO, si Morrallos umano na 29-anyos ay dati ring Chief Investigator ng BTAC noong 2014 at nailipat sa APPO bilang Kalibo Deputy Police at  naging assistant sa Regional Office bago muling ibinalik sa BTAC bilang OIC.

Kaugnay nito, agad namang nanungkulan si Morallos kung saan nagpatawag ito ng kauna-unahang staff conference at pinag-usapan naman ang kanyang mga plano at iba pang inobasyon para sa kapakanan at moral ng Boracay PNP personnel.

Ang pagtalaga kay Morallos at sa iba pang mga bagong Chief of Police sa Aklan ay kasabay rin ng pagtalaga kay Senior Superintendent John Mitchell Jamili bilang bagong OIC ng APPO. 

No comments:

Post a Comment