Friday, January 15, 2016

Bayan ng Balete kampyon sa Aklan Higante Contest

Posted January 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kampyon ang bayan ng Balete sa Aklan Higante Contest na ginanap sa bayan ng Kalibo kahapon ng hapon kaugnay sa Ati-Atihan Festival 2016.

Umuwi ng nagkakahalaga na P40, 000 ang bayan ng Balete habang 2nd place naman ang bayan ng Tangalan na nakakuha ng premyong P35, 000, 3rd place ang Numancia na may P30, 000, Fourth place ang Ibajay na nakakuha ng P25, 000 at ang Fifth place naman ay Kalibo na nag-uwi ng P20, 000.

Nabatid na labin-isang Higante ang naglaban-laban mula sa ibat-ibang bayan sa Aklan na kinabibilangan ng Banga, New Washington, Nabas, Malinao, Madalag, Libacao.

Tema naman ngayong taon ang “Eco Friendly Ati” kung saan yari sa mga recycled materials ang ginamit sa paggawa ng mga pigura ng Higante.
Ang Higante contest ay taunang ginagawa sa selebrasyon ng Kalibo Ati-Atihan Festival sa kapistahan ni Sr. Sto. Niño.

No comments:

Post a Comment