Tuesday, January 12, 2016

UAE National, kulong matapos mambastos

Posted January 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Kulong ang isang United Arab Emirates (UAE) National matapos ireklamo ng pambabastos kaninang madaling araw sa Station 2 Balabag, Boracay.

Sumbong ng biktimang si Merly Evangelista 37-anyos resident eng Brgy. Nazareth Buruanga at temporaryong nakatira sa Sitio Bolabog, Boracay sa Boracay PNP, nilapitan umano siya ng suspek sa may puno ng niyog habang naka-uypo at doon ginawa ang pambabastos.

Ayon sa biktima pinagsabihan siya umano ng suspek na si Amer Ali 28-anyos ng hindi magagandang salita sabay sign ng dirty fingers kung saan hindi pa umano ito nakuntinto at binuhusan pa ng beer ang kanyang ulo.

Mabilis namang nahuli ng mga pulis sa lugar ang suspek at doon ay dinala siya sa himpilan ng mga pulisya at ikinustudiya sa ginawang pambabastos.

No comments:

Post a Comment