Tuesday, January 12, 2016

Morallos, magtatalaga ng karangdagang 50 police personnel sa Boracay

Posted January 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Mahigit 50 mga bagong pulis ang itatalaga ngayon sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) para sa pagdiriwang ng Kalibo Ati-atihan festival.

Ito ang sinabi ng kakaupo palang na Officer In-Charge ng Boracay PNP na si PSI Nilo Morallos.

Sa panayam ng himpilang ito kay Morallos, sinabi nito na isa umano ito sa paraan para mas mapaigting pa ang pagbabantay sa seguridad ng mga turista at residente sa isla.

Maliban dito, mas paiigtingan pa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang mga ahensya tulad ng Philippine Army, Coast Guard, Boracay Action Group at iba pa.  

Ang nasabing mga pulis ay manggaggaling sa Police Regional Office - PNP Region 6 Iloilo City.

No comments:

Post a Comment