Monday, January 11, 2016

PSSUPT Jamili bagong talagang OIC ng PNP Aklan

Posted January 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Credit to Jane Vega
May bago na naman ngayong Officer-In-Charge ang Aklan Police Provincial Office (APPO sa katauhan ni PSSUPT John Mitchell Jamili.

Ito’y matapos na ma relieved ang dating OIC ng APPO na si Chief PSSupt Iver Apellido na na-relieved lamang nitong nakaraang linggo.

Dahil dito nagsimula na sa kanyang trabaho si Jamili kung saan nagpatawag agad ito kanina ng command conference para sa preparasyon sa final week ng Kalibo Ati-atihan festival sa bayan ng Kalibo.

Si Jamili, ay dating nakatalaga sa Regional Headquarters Support Group sa Camp Delgado sa Iloilo City na pumalit kay Senior Superintendent Iver Apellido na nagsilbi sa APPO simula noong September 2014 hanggang nitong Enero 8, 2016.

No comments:

Post a Comment