YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 13, 2016

Pagkasira umano ng corals sa Boracay dahil sa Yellow Submarine, itinanggi ni SB Aguirre

Posted January 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for coral reefs sa boracayItinanggi ngayon ni SB Member Rowen Aguirre ang alegasyon sa umanoy pagkasira ng corals sa isla ng Boracay dahil sa pagdating ng Yellow Submarine sa isla mula sa Cebu.

Ito’y matapos ang privilege speech ni SB member Frolibar Bautista sa SB Session kahapon kung saan sinabi nito na may natanggap umano siyang balita na may area sa Boracay na mayroong corals ang nasira dahil sa nasabing submarino.

Ayon naman kay Aguirre wala umano itong katutuhanan dahil unang-una wala umanong corals sa area kung saan ngayon ang Submarine.

Kaugnay nito, pinabulaan din ni SB member Jupiter Gallenero na siyang chairman ng committee on tourism ang nasabing isyu matapos ang ginawang pagsusuri ng mga marine biologist sa area.

Ngunit sa kabila nito, iginiit pa ni Bautista na kaya umano umalis sa Cebu ang Yellow Submarine ay dahil sa mga balita-balita doon na nasisira nito ang mga coral reefs sa karagatan.

Nabatid na ang Yellow Submarine ay sinasabing mag-ooperate sa Boracay para sa mga turista ngunit wala pa itong signal mula sa Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) dahil sa kakulangan pa ng dokumento.

1 comment: