Thursday, January 14, 2016

40-anyos na babae sa Boracay na biktima ng snatching, 50 mil natangay

Posted January 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for snatchingNanlumo ang isang 40-anyos na babae matapos itong mabiktima ng snatching kahapon sa Station 1 Mainroad Balabag, Plaza, Boracay.

Sumbong ng biktima sa Boracay PNP, pababa umano siya ng tricycle habang nag-babayad ng kanyang pamasahe ng bigla umanong agawin ng hindi nakilalang lalaki ang kanyang bitbit na bag.

Ayon sa biktima naglalaman umano ito ng Atm card, voters Id at iba pang mahahalang dokumento kasama na ang kanyang pera nag-kakahalaga ng P50, 000.

Samantala, patuloy namang ini-imbestigahan ng mga pulis ang nasabing insidente kung saan napag-alamang nakasuot ng itim na t’shirt at maong na short ang suspek papasok sa isang compound sa lugar.

No comments:

Post a Comment