Tuesday, January 12, 2016

Dalawang cruise ship dadaong sa Boracay ngayong Enero

Posted January 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for MS Celebrity MillenniumPanibago na namang cruise ship ang dadaong sa isla ng Boracay ngayong Enero 26 at 28, 2016 na kinilalang MS Celebrity Millennium at MS Nautica.

Image result for MS NauticaDahil dito nakatakdang mag-patawag ng meeting ang Aklan Provincial Government sa pangunguna ng Jetty Port Administration sa Enero 14 bilang paghahanda sa pagdating ng dalawa sa malalaking barko sa mundo.

Nabatid na ito ang unang pagkakataon na dadaong ang dalawang cruise ship sa isla sakay ang tinatayang mahigit sa isang libong turista na magbabakasyon sa Boracay.

Samantala, ang meeting ay kinabibilangan naman ng mga force multipliers sa isla kasama ang kumpanya na siyang may hawak ng tour ng dalawang barko sa bansa partikular sa Boracay.

No comments:

Post a Comment