Friday, January 15, 2016

Hotel sa Boracay, nakatanggap ng death treat

Posted January 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for DEATH THREAT CELLPHONENabalot ng takot ang isang Hotel sa Boracay matapos itong makatanggap ng pambabanta o death treat kahapon sa Sitio Bolabog, Boracay.

Sumbong ng Management sa pamamagitan ng kanilang empleyado na kinilalang si “Dane” sa Boracay PNP, nakatanggap umano ng message ang kanilang company phone mula sa kinilalang si “Kumander Andy” na humihingi ng pera.

Nakapaloob pa umano sa nasabing message na kung hindi nila ito pagbibigyan ay sisirain umano nito ang kanilang hotel at papatayin pa umano sila.

Agad namang ini-report ng nasabing Management ng Hotel sa mga pulis ang natanggap na pambabanta kung saan nagresulta naman ito ng takot sa kanilang mga empleyado para sa kanilang seguridad.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing reklamo.

No comments:

Post a Comment