Monday, January 11, 2016

CCTV installer, patay matapos makuryente

Posted January 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for patayAgad na binawian ng buhay ang isang lalaki sa isla ng Boracay matapos itong makuryente at mahulong sa isang gusali sa Sitio Manggayad, Balabag, Boracay.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, nagkakabit umano ito ng CCTV wirings sa second floor ng under construction na building ang biktima kasama ang mga katrabaho nito ng bigla nalang siyang mahulog at lumagapak sa sahig.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima na kinilalang si Thenyr Lorenzo 33-anyos ng Talun Altavas at nakatira sa Caticlan, Malay ngunit idinikalara naman itong dead on arrival ng doktor na sumuri sa biktima.

Sinasabing Cardiogenic Shock Secondary to Electrocution o pagkakuryente ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

No comments:

Post a Comment