YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 11, 2016

Election gun ban sa Boracay pinaigting ng mga kapulisan

Posted January 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sa pagsisimula ng election gun ban kahapon, mas pinaigting naman ng mga kapulisan sa isla ng Boracay ang checkpoints para sa pagsisimula nito.

Ayon kay PI Joey Delos Santos, Deputy Chief ng Boracay PNP, alas-dose ng hating gabi kahapon nagsimula ang kanilang ipinapatupad na checkpoint para sa gun ban sa ilang area sa Boracay lalo na sa mainroad.

Ito ay batay sa Comelec Resolution No. 9981 o Calendar of Activities para sa May 9 election kung saan simula kahapon Enero 10 ay ipinagbabawal na ang pagdadala ng baril o anumang nakamamatay na armas.

Nabatid na maaari lamang magdala nito kung ito ay may pahintulot mula sa Commission on Elections na may nakasulat o pirmado ng mga kaukulang opisyal.

Samantala, payo naman ni Delos Santos sa may mga baril na bawal paring magdala nito kahit sila ay may mga lisensya dahil sa tanging ang exempted lamang umano nito ay mga otoridad.

Ang election gun ban ay ipinatupad ng Comelec para sa May 9 election kung saan magtatapos naman ito sa Hunyo 8 ng taong kasalukuyan.

No comments:

Post a Comment