Friday, January 15, 2016

50 pulis na na-augment sa Boracay inalalayan sa kanilang responsibilidad

Posted January 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for boracay pnpKasalukuyan na ngayong ginagampan ng 50 pulis na bagong augment nitong Martes sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang kanilang trabaho.

Sa pangunguna ni BTAC Officer In-Charge PSI Nilo Morallos, isinailalim nito sa briefing ang mga nasabing pulis bago ang deployment sa kanilang mga area sa ibat-ibang lugar sa Boracay.

Maliban dito, sumabak agad ang mga ito sa pagbibigay ng mga flyers na nakapaloob ang ibat-ibang paalala tungkol sa mga ipinagbabawal na gawain sa isla kabilang na ang Comelec Gun Ban.

Samantala, nabatid naman na pagkatapos ng selebrasyon ng Ati-Atihan sa Kalibo ay babalik  ang mga na-augment pulis sa PRO- Region 6 Iloilo City para sa Dinagyang festival habang wala pang pormal kung saan talaga matatalaga ang mga ito.

No comments:

Post a Comment