Friday, January 15, 2016

Muslim students mula Balabag ES Malay hakot award sa First Regional Musabaqah

Posted January 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Limang award ang nakuha ng Balabag Elementary School Muslim pupils bilang representante ng Division of Aklan sa Iloilo City sa ginanap na First Regional Musabaqah.

Sa anim na contest lima ang napanalunan ng Balabag ES kung saan tinanghal silang champion sa Alpha Touch at Arabic Spelling.

Maliban dito kampyon din sila sa Level III Qur'an Reading, 1st runner-up Arabic Spelling at sa Level II ay 2nd Runner-up sa Call to Prayer.

Sila din ang tinanghal na Over-all Regional Champion kung saan sila ang magiging representative ng Region VI sa National Musabaqah na gaganapin sa Tagaytay City sa huling linggo ngayong buwan ng Enero.

Kaugnay nito pinasalamatan naman ni Malay Public Schools District Supervisor Jessie Flores ang lahat ng mga tumulong para makamit ang tagumpay ng mga mag-aaral mula sa bayan ng Malay at sa Probinsya ng Aklan. 

No comments:

Post a Comment