Tuesday, December 15, 2015

Tour guide ninakawan ng e-bike sa Boracay

Posted December 15, 2015
Ni Inna Carol Zambrona, YES FM Boracay

Image result for e-bike audiMismong kaibigan ng tourguide ang siyang itinuturong nagnakaw ng kanyang e-bike sa Sitio. Ambulong, Brgy. Manoc-manoc, Boracay, Malay, Aklan kahapon.

Sumbong ng biktimang si Bernard Capno, 27-anyos at residente ng nasabing lugar sa Boracay PNP, nagulat na lang umano siya ng mapansin nito na ang kanyang bike na iniwang nakaparada sa harapan ng kanilang bahay ay bigla nalang naglahong parang bula.

Dito ay hinanap ng biktima ang kanyang bike kung saan isa sa kanyang napagtanungan ay ang kaibigan nito na itinuturo ring suspek na si certain “Jep” at residente ng Caticlan, Malay, Aklan.

Ayon sa biktima tinananong niya ang nasabing suspek ngunit mariin umano nitong itinanggi na hindi niya alam kung saan ang naturang bisiklita.

Dahil dito nagpatuloy naman sa paghahanap ang biktima hanggang sa nakita nito sa lugar na tinutuluyan ng suspek ang naturang bike.

Samantala, pansamanatalang ikinustodiya ng Boracay PNP, ang suspek para bigyan ng natatamang disiplina.

No comments:

Post a Comment