Posted December 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinayagan na ngayon ng Philippine Coastguard (PCG)
Caticlan na maglayag ang 70 porsyento ng mga bangka sa Cagban at Caticlan Jetty
Port matapos itong kansilahin dahil kay bagyong Nona.
Dahil dito naunang pinasakay sa mga bangka ang mga
pasaherong kagabi pa na-stranded sa dalawang pantalan na kinabibilangan ng mga
turista at mga manggagawa sa Boracay.
Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan
Jetty Port, awtomatikong kinakansila ng PCG ang biyahe ng mga bangka kung may
storm signal number ang Aklan lalo na kung nakataas ito sa signal number 2 na
siyang batayan ng PCG para e-shutdown ang biyahe.
Nabatid na nakataas ang storm signal ngayon sa Aklan
kasama ang maraming probinsya sa Western at Eastern Visayas.
Samantala, maaari namang tumawag sa hotline number 118 ng
Caticlan Jetty Port kung sino man ang may mga katanungan tungkol sa operasyon
ng mga bangka sa Boracay.
No comments:
Post a Comment