Monday, December 14, 2015

Biyahe ng mga bangka sa Boracay hanggang alas-6 nalang ngayon dahil kay Nona

Posted December 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hanggang ala-6 nalang ngayong gabi ang operasyon ng mga bangka sa Boracay dahil sa nakataas parin ang storm signal number 1 sa probinsya ng Aklan dahil sa bagyong Nona.

Sa live interview kay Lt. Edizon Diaz Commander in Chief ng Philippine Coastguard Caticlan, sinabi nito na sunrise to sunset lang ngayon ang operasyon ng mga bangka hanggat may signal pa ang Aklan.

Dahil dito inabisuhan na rin umano nila ang Kalibo International Airport dahil sa posibleng ma-stranded ang mga pasaherong may biyahe ng gabi papunta sa isla ng Boracay.

Ayon pa kay Diaz, hinahabol umano nila na mapasakay ang lahat ng mga pasaherong tatawid mula sa Cagban at Caticlan Jetty Port bago sumapit ang ala-6.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Diaz ang lahat ng mga pasahero na iwasan muna ang pagpunta sa pantalan mamayang gabi dahil sa wala namang biyahe ang mga bangka.

Maliban dito kansilado rin ang biyahe ng roro vessel at lahat ng uri ng sasakyan pandagat dahil sa posibleng paghagupit ni Nona mamayang gabi.

Sa ngayon tinutumbok ng typhoon Nona ang bahagi ng Lavezares, Northern Samar at iba pang probinsya sa Eastern at Western Visayas.

No comments:

Post a Comment