Wednesday, December 16, 2015

Miyembro ng 4Ps sa Aklan, nag-rally

Posted December 16, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for 4psNagsagawa ng rally ang mga miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) sa Aklan kaninang alas-2 ng hapon sa Kalibo Pastrana, Park.

Ang dahilan umano ng nasabing rally ay para maipagpatuloy ang na-umpisahang programa ng 4Ps na sila ay matulongan.

Nabatid na nanawagan ang mga konsumidor ng 4Ps na isabatas umano ang Conditional Cash Transfer (CCT) Bill at ipagpatuloy ang nasimulang tulong sa kanila.

Bukod dito ginawa rin  umano nila ang pag-rarally dahil sa bali-balitang tatapusin na ang nasabing programa sa susunod na taon sa kadahilanang magtatapos na ang kasalukuyang administrasyon sa 2016.

No comments:

Post a Comment