Tuesday, December 15, 2015

Empleyado ng isang hotel sa Boracay patay matapos malunod

Posted December 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Patay na ng makarating sa isang pagamutan ang isang lalaking empleyado ng isang hotel sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos siyang malunod kaninang umaga sa station 1 Boracay kung saan hindi na rin ito nakaabot ng buhay sa isang pagamutan.

Ayon sa isang nurse ng Boracay Action Group (BAG), nakatanggap umano sila ng tawag kaninang alas-12:31 ng tanghali na merong may nalunod sa beach front station 1.

Dito agad na nirespondihan ng BAG ang naturang lugar kung saan naabutan nila ang biktima na wala ng malay at sinusubukang e-revive ng isang foreigner at ng rumispondeng lifeguard.

Sa tulong ng BAG agad na naidala sa Alert Medical Clinic (AMC) sa Boracay ang naturang biktima na kinilalang si Alvin Baluyot ng Caloocan City at nasa edad-26-anyos.

No comments:

Post a Comment