Tuesday, December 15, 2015

Restaurant sa Boracay, muntik ng lamunin ng apoy

Posted December 15, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for bureau of fire protection wallpaperMuntik ng lamunin ng apoy ang isang restaurant sa Brgy. Yapak, Boracay, Malay, Aklan alas-7:15 kagabi.

Ayon kay Bureau of Fire Protection Unit (BFP) FO3 Franklin Arubang, nadatnan na lang umano nilang nasusunog na ang naka-tambak na kahoy sa gilid mismo ng restaurant sa nasabing lugar.

Mabilis namang napatay ang apoy ng mga tao sa lugar gamit ang fire extinguisher at sa tulong ng Bureau of Fire Protection Unit (BFP).

Samantala, wala namang casualties sa nasabing insidente kung saan nagpapatuloy parin ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng nangyaring sunog.

No comments:

Post a Comment