Monday, December 14, 2015

17-anyos na lalaki, patay matapos mabundol ng L300 Van

Posted December 14, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for patayPatay ang 17-anyos na lalaki matapos itong mabundol ng L300 Van kahapon ng madaling araw sa Brgy. Nagustan, Nabas, Aklan.

Sa imbestigasyon ng Nabas PNP, bigla nalang umanong tumawid sa highway ang biktimang si Alvin Guyo residente ng Brgy. Buenafortuna dahilan para mabunggo ito ng minamanihong Van ni Jonel Segura, 32 anyos ng Brgy. Mambog, Banga, Aklan papuntang Caticlan, Malay.

Nabatid na malakas umano ang pagmamaniho nitong si Segura dahilan para magtamo ng seryosong sugat sa ulo ang biktima.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima pero idineklara din itong dead on arrival sa pinagdalhang ospital.

Samantala, patuloy naman ang negosasyon ng pamilya ng biktima sa suspek sa Nabas PNP.

No comments:

Post a Comment