Posted December 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nilagdaan na ang Executive order No. 005, series of 2012
para sa 24/7 deployment sa beachfront ng isla ng Boracay.
Ito’y kaugnay sa binuong security forces ng Boracay Action
Group (BAG) na kinabibilangan ng Boracay PNP, Tourism Regulatory Enforcement Unit
at Municipal Auxiliary Police.
Nabatid na ang nasabing executive order ay para
patindihin pa ang implementasyon ng mga batas, ordinansa, polisiya at
panuntunin para sa peace and order security sa isla ng Boracay.
Kaugnay nito, naglabas naman ng Memorandum Order No.
2015-40 ang LGU Malay na pirmado ni Mayor John Yap, kung saan itinilaga nito si
Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos bilang Head of Secretariat
and Supervising Officer ng Malay Auxiliary Police na naka-deployed sa Station
2, Command Center, Boracay.
Samantala, maliban sa bagong responsibilidad ni Delos
Santos mananatili parin ito bilang Chief Tourism Operations Officer ng Malay.
No comments:
Post a Comment