Posted December 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kung dati ay umabot lamang sa mahigit sa tatlong daan ang
ipinakalat na pulis sa Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Festival 2015, ngayong
taong 2016 ay umabot na ito sa 700.
Ito ang sinabi ni KASAFI Chairman Albert Meñez sa
isinagawang meeting kahapon kasama ang mga media sa Aklan para sa preparasyon sa
darating na kapistahan.
Ayon kay Meñez ito umano ang kanyang nakuhang impormasyon
base sa Aklan Police Provincial Office na siyang nakatalaga para sa seguridad
ng Ati-Atihan Festival sa Enero 9 hanggang 17, 2016.
Napag-alaman na karamihan sa mga pulis na maa-assign sa
Kalibo ay mula pa sa kalapit na mga probinsya ng Aklan para sa pagpapaigting ng
seguridad.
Nabatid na ang mga nasabing pulis ay nakatalaga para sa
pagbabantay ng trapiko, mga lugar na dadaan ng mga kasaling tribo at sa
pagbabatay sa mga area na mayroong ibat-ibang kasiyahan.
Samantala, tiniyak naman ng Kalibo Sto.Niño Ati-Atihan
Foundation, Inc. na mas magiging maganda at makulay ang selebrasyon sa
kapistahan ni Sto.Niño sa 2016.
No comments:
Post a Comment