Thursday, December 17, 2015

MHO Malay, nanawagan sa mga hindi nabigyan ng Oral Polio Vaccine

Posted December 17, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for injectionNanawagan ngayon ang Municipal Health Office (MHO-) Malay sa mga hindi nabigyan ng Oral Polio Vaccine partikular ang mga Day Care Students sa Boracay.

Ayon kay Malay Municipal Health Office (MHO) Health and Educational Promotion Officer Arbie Aspiras, ang mga hindi umano nakapunta sa kanilang unang pag-bibigay ng Oral Polio Vaccine ay binibigyan nila ng pagkakataon para magkaroon nito.

Sinabi nito na kailangan lang pumunta ang mga ito sa Health Center ng Manoc-manoc, Yapak at Balabag ngayong Biyernes Desyembre 18 ng alas-8 ng umaga.

Ngunit kung hindi naman umano makakapunta sa Biyernes ay pwede naman silang pumunta sa Desyembre 22-23 o di kaya ay sa 28 at 29 ngyong buwan ng ala- 1 ng hapon.

Nabatid na ang nasabing Oral Polio Vaccine ay ligtas umano para sa mga mabibigyang mga bata.

No comments:

Post a Comment