Monday, December 14, 2015

Mga pasahero sa Cagban at Caticlan Jetty Port stranded dahil kay Nona

Posted December 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Walang nagawa ang mga pasahero sa Cagban at Caticlan Jetty Port matapos kansilahin ng Philippine Coastguard (PCG) Caticlan ang biyahe ng mga bangka dahil kay Nona.

Kagabi pa lang ay hindi na pinayagan ng PCG na maglayag ang mga bangka na may biyaheng Caticlan at Cagban vice versa matapos mapabilang ang lalawigan ng Aklan sa signal number 1 dahil sa bagyong Nona.

Nitong umaga ay daan-daang pasahero ang na stranded sa dalawang pantalan kung saan karamihan sa mga ito ay mga manggagawa sa Boracay.

Nabatid na mahigpit na ipinapatupad ng PCG ang hindi paglalayag ng mga bangka kung may nakataas na storm signal sa Aklan.

Samantala, sakaling bumuti ang lagay ng panahon ay agad naman umanong ibabalik ng Coastguard ang biyahe ng mga bangka pati na ang mga island hopping activities sa Boracay.

No comments:

Post a Comment