Wednesday, December 16, 2015

26-anyos na babae, sinapak ng customer matapos singilin

Posted December 16, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police blotterHindi na nga binayaran sinapak pa.

Ito ang sumbong ng 26-anyos na babae matapos siyang sapakin ng kanyang customer kagabisa Station 1, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Ayon sa biktimang si Lhutchel Dela Cruz, residente ng Old Buswang, Kalibo, Aklan at temporaryong nakatira sa nasabing lugar sa Boracay PNP, bumili umano sa kanilang tindahan ang hindi na kilalang suspek ng nakakalasing nainumin at kalahating kaha ng sigarilyo at umalis bigla.

Dito hinabol ng biktima ang suspek at hinila nito ang kanyang short ngunit mabilis naman siyang nasapak ng suspek dahilan para mag-karoon siya ng pasa sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha.

Samantala, sa ngayon ay hindi na makita ang sinasabing suspek na hindi nagbayad sa binili at nanapak sa biktima.

No comments:

Post a Comment