Monday, December 14, 2015

Lalaki, arestado matapos saksakin at bastusin ang dalawang babae sa Boracay

Posted December 14, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for posasArestado ang isang lalaki matapos nitong saksakin at bastusin ang dalawang babae kaninang alas-4 ng umaga sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Sa report ng Boracay PNP, nasa loob ng isang bar ang biktimang si Hope Ponce 23-anyos kasama ang kanyang kaibigan ng bastusin ito sa pamamagitan ng pagsasabing magkano ang kanyang halaga ni certain “Gie”.

Dahil sa nangyari nagalit umano si Ponce at agad na isinumbong sa naka-duty na Security Guard sa bar kung saan mabilis namang pinalabas ang suspek. 

Kasabay nito nagalit naman ang suspek at dito ay binalingan niya ang isa pang babae na kasama ni Ponce kung saan sinakal niya ito at itinulak sa puno ng niyog kung saan sinaksak din niya ito sa kamay gamit ang isang matalim na bagay.

Samantala agad namang nahuli ng pinag-samang pwersa ng Boracay PNP ang suspek sa mismong tintuluyan nitong boarding house.

No comments:

Post a Comment