Thursday, December 17, 2015

Australian National, ninakawan habang naka-upo sa dalampasigan

Posted December 17, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftIsa nanamang nakawan ang ine-report sa Boracay PNP kahapon sa Station 1 Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Sumbong ng Australian National na si Tessa Poliakow sa mgapulis, kasama umano niya ang kanyang mga kaibigan na umupo sa dalampasigan kung saan linapag nito ang kanyang brown leather bag.

Dahil dito nabigla nalang umano siya dahil makalipas ng ilang minuto ay mabilis namang naglaho na parang bula ang kanyang bag na sinasabing kinuha ng hindi nakilalang lalaki kung saan siya mismo na kaupo.


Ang nasabing bag umano na ay naglalaman ng Panasonic camera, Cellphone, Portable Speaker at perang nagkakahalaga ng P900.

No comments:

Post a Comment