Tuesday, December 15, 2015

Operasyon ng mga bangka sa Boracay inilapat sa Tabon at Tambisaan Port

Posted December 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for PCGPansamantala munang inilipat ngayon ng Philippine Coastguard (PCG) Caticlan ang operasyon ng mga bangka sa Tabon at Tambisaan Port.

Ito ang sinabi ni Lt. Edison Diaz Commander in Chief ng Philippine Coastguard Caticlan matapos nilang magkaroon ng assessment kasama ang CBTMPC at Jetty Port Administration.

Ayon kay Diaz, malakas parin umano kasi ang alon sa Cagban at Caticlan Jetty Port kung saan  hindi umano kaya ng mga bangka na maglayag doon.

Dahil dito nag-desisyon umano sila na ilipat muna ang biyahe sa nasabing pantalan dahil sa hindi naman gaano kalakas ang alon doon kahit na nararanasan ang Amihan.

Maliban dito paisa-isa muna ang biyahe ng mga bangka hanggang sa hindi pa tuluyang nagiging maayos ang panahon dala ng bagyong Nona.

Samantala, inuna namang makasakay ang mga kagabi pa na-stranded na pasahero kung saan umabot ito ng mahigit sa dalawang daang pasahero na karamihan ay mga turista hanggang kaninang umaga.

Sa ngayon mahigpit parin ang monitoring na isinasagawa ng PCG sa operasyon ng mga bangka sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment