Saturday, August 08, 2015

12-anyos na American Boy muntikan ng malunod sa Boracay dahil sa lakas ng alon

Posted August 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arabnte, YES FM Boracay


Masuwerteng nailigtas ng dalawang lifeguard ng Philippine Red-Cross Boracay-Malay Chapter ang isang 12-anyos na American Boy na muntikan ng malunod habang naliligo sa dagat.

Unang nakitang naliligo ang bata sa Station 1 sa area ng Willy's Rock at Nigi Nigi Lifeguards Station kung saan may kalakasan ang alon dulot ng Habagat.

Photo Credit to Mar Schonenberger
Nabatid na sa sobrang lakas ng alon ay nahirapan ang batang lumangoy kung saan unti-unti din itong hinihila ng tubig ngunit mabilis namang na-rescue ng mga naka-bantay na lifeguard sa lugar na kinilalang sina Gilbert Dugang at Rex Dugang.

Dahil dito mabilis nilang naiahon ang nasabing bata at dinala sa ligtas na lugar kung saan nasa maayos na rin itong kalagayan ngayon.

Kaugnay nito pinaalalahanan naman ng mga lifeguard ang bata na huwag muling maliligo kung may kalakasan ang lalon lalo na at kung hindi naman marunong lumangoy.

Samantala, paalala naman ng Red-Cross sa lahat ng mga maliligo sa dagat na kung maaari ay huwag lumagpas sa Red at Yellow Flags na kanilang inilagay sa beach area para maiwasan ang pagkalunod.

No comments:

Post a Comment