Friday, August 07, 2015

Bagong Boracay PNP Chief Danilo Delos Santos pormal ng umupo sa kanyang pwesto

Posted August 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pormal ng umupo ngayong linggo sa kanyang pwesto bilang bagong Officer In-Charge ng Boracay PNP si PSUPT Danilo Delos Santos.

Nitong araw ng Miyerkules ay nagpakilala si Delos Santos sa mga personnel ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) kasabay ng pagsagawa ng PICE sa mga pulis.

Si Delos Santos ang pumalit kay PSI Frensy Andrade na dating OIC ng Boracay PNP na nanungkulan naman sa loob ng anim na buwan.

Samantala, kasabay ng pag-upo ni Delos Santos bilang bagong OIC Chief ay nagsagawa naman ang NAPOLCOM Region 6 nang-inpeksyon sa BTAC personnel na pinangunahan ni Atty. Jerome Asuga, Chief TSD ng NAPOLCOM at sa presensya ni Delos Santos.

Kasama naman sa ginawang PICE ng NAPOLCOM sa mga personnel ay ang Checking and Observance of Pulis Tamang Bihis, Long and Short Firearm inspection at Physical accounting ng BTAC Personnel.

Samantala, nakatakda namang makipagpulong sa Local Government Unit ng Malay at sa mga Law Enforces sa Boracay ang pag-upo ni Delos Santos.

No comments:

Post a Comment