Thursday, August 06, 2015

Operasyon ng Kalibo Airport balik na sa normal matapos ang ipinatupad na no fly zone

Posted August 6, 2015
Ni Jay-ar M.  Arante, YES FM Boracay 

Image result for kalibo airportNapaaga ang pagtatapos ng ipinatupad na no fly zone sa Kalibo International Airport (KIA) matapos makompleto ang ginawang asphalting sa nasirang runway 23.

Ayon kay Engr. Martin Terre, manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Aklan, dapat ngayong araw pa ng Huwebes magtatagal ang no fly zone matapos na ipatupad nitong Lunes.

Sinabi ni Terre na mabilis nilang natugunan ang pagsasaayos ng nasabing runway kung saan nagsisimula umano ang no fly zone ng alas-6 hanggang alas-8 ng umaga.

Kaugnay nito iginiit naman ni Terre na wala namang naging epekto ang nasabing no fly zone sa kanilang operasyon kung saan kahapon ay balik na rin ito sa normal habang nagpadala na rin umano sila ng notice to airmen (NOTAM) sa CAAP na nagpapaabot na tapos na ang itinakdang cancelation of flights.

Napag- alaman na na nasira ang runway 23 dahil sa sunod-sunod na buhos ng ulan noong nakaraang linggo kung saan ito ay kakagawa pa lamang na siyang bahagi ng pag-upgrade ng Kalibo International Airport.

No comments:

Post a Comment