YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, August 08, 2015

Seguridad sa BJMP sa Kalibo Aklan mas hinigpitan dahil sa nakabilanggong NPA leader

Posted August 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)Mas hinigpitan ngayon ng mga otoridad ang seguridad sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Kalibo, Aklan kung saan ngayon nakakulong ang leader ng NPA.

Si Maria Concepcion Araneta Bocala o mas kilala sa tawag na “Ka Concha” ay nakakulong ngayon sa BJMP makaraang maaresto ng mga pulis sa inuupahan nitong bahay sa Calumpang, Molo, Iloilo City nitong Agosto 1, 2015 sa bisa ng warrant of arrest for murder with Criminal Case Number 1494 na-inisyu ng Regional Trial Court 6, Branch 2 sa Kalibo, Aklan.

Nabatid na si Bocala, 65-anyos ay isang secretary general ng Komite Rehiyonal Panay of the Communist Party of the Philippines na kinabibilangan ng Iloilo, Capiz at Aklan.

Kaugnay nito doble-doble ang ginagawang seguridad sa loob ng kulungan kung saan hinigpitan din maging ang dalaw ng mga ibang nakakulong sa BJMP.

Samantala si Bocala at dalawa pang kasama nitong miyembro ng CPP-NPA ang itiniturong pumatay sa biktimang si Metodio Inisa noong Setyembre 17, 1975 sa Brgy. Panipiason, Madalag Aklan.

No comments:

Post a Comment