Wednesday, August 05, 2015

Brgy. Caticlan blangko sa kita ng Terminal fee sa Tabon Port

Posted August 5, 2015
Ni Jay-ar M.  Arante, YES FM Boracay

Nananatiling palaisipan kung kaylan mapagbibigyan ng mga kinauukulan ang hiling ng brgy. Caticlan sa kanilang problema tungkol sa share sa kinikitang terminal fee sa Tabon Port.

Ito ay isa lamang sa mga hinaing na ipinaabot ng brgy. Caticlan Officials sa SB Session ng Malay nitong Martes sa pangunguna ni Punong Brgy. Julieta Aron.

Sinabi ni Aron nakapagsumite na umano sila ng resolusyon tatlong taon na ang nakakaraan sa LGU Malay ngunit ngayon umano ay wala parin silang sagot na natatanggap.

Nabatid na sa dating terminal fee na P2.50 sa Tabon Port ay nakakapagkuha sila ng share na P50 centavos at ang dalawang peso ay napupunta sa LGU Malay ngunit natigil umano ito ng mahigit sampung taon ang nakakaraan.

Ngunit ipinagkibit balikat naman ito ng Sangguniang Bayan ng Malay kung saan tila wala silang masyadong ideya sa nasabing resolusyon pero nakahanda naman umano silang aksyonan ang nasabing usapin para sa agarang pagresolba ng naturang problema.

Samantala, nakakakuha naman ng P1.00 na share ang brgy. Caticlan mula sa kinikitang terminal fee ng Caticlan Jetty Port na 100 pesos.

No comments:

Post a Comment