Monday, August 03, 2015

Paghati sa dalawang distrito ng Aklan, muling isusulong sa Senado

Posted August 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for PROVINCE OF AKLANMuli ngayong isinusulong sa Senado ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang paghati na maging dalawang distrito ang probinsya ng Aklan.

Ito’y matapos ang pagpasa ng isang resolusyon sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ni SP Member Emmanuel Soviet Russia Dela Cruz, na naglalayong ipaabot ang sentimyento ng mga Aklanon na gawing “two legislative district” ang probinsya.

Nabatid na ang proposed bill ay layong gawing 1st District at 2nd District ang Aklan kung saan ang first district ay kinabibilangan ng mga bayan ng Altavas, Balete, Batan, Banga, Kalibo, New Washington, Libacao at Madalag kung saan may kabuuang bilang ito ng populasyon na  282,395.

Habang ang second district ay kinabibilangan naman ng mga bayan ng Buruanga, Ibajay, Lezo, Makato, Malay, Malinao, Nabas, Numancia at Tangalan na may total population na 253,330.

Samantala, sinabi pa ni Dela Cruz, matagal na ring kwalipikado ang probinsya ng Aklan para gawin itong dalawang distrito kung saan base umano sa pinakahuling census ng National Statistics Office (NSO) umabot na sa halos kalahating milyon ang total population ng Aklan.

No comments:

Post a Comment