Thursday, August 06, 2015

(UPDATE) Russian National na nagpakamatay sa Nabaoy Malay, natukoy na ang pagkakakilanlan

Posted August 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for suicide hanging boyNasa pangangalaga parin ngayon ng isang punerarya ang isang Russian National na natagpuang patay kahapon sa Brgy. Nabaoy sa bayan ng Malay.

Ayon kay PO1 Anthony Balderama ng Malay PNP, dakong alas-9 kahapon ng umaga ng matagpuan ni Fatima Pablo na kumukuha ng halamang pako sa lugar ang bangkay ng biktima na nakilalang si Demetry Sychevskiy, 39-anyos na nakabitin sa isang puno gamit ang hindi matukoy na tali mula sa halaman.

Base umano sa paunang embistigasyon ng Scene of the Crime Operative (SOCO) tinatayang nasa tatlo o dalawang araw na umanong nakabitin ang biktima dahil sa inuunod na rin ang katawan nito ng matagpuan.

Napag-alaman na ang biktima ay dating nag-nenegosyo sa Boracay ngunit nalugi umano ito at kung saan-saan nalang nagpalaboy-laboy.

Sa kabilang banda nakita naman sa bulsa ng biktima ang isang suicide note na nakasulat sa salitang Russian ngunit inilipat ito sa salitang English ng kanyang kaibigan na kumilala sa biktima kung saan nangangahulugan umano ito na “my death is my decision there is no to be blame, my body don’t bring it in Russia”.

Samantala, ang biktima ay sinasabing nakipag-hiwalay sa dating asawa nito sa Russia kung kayat hindi na ito nakabalik pa sa nasabing bansa.

Sa ngayon pinag-dedesisyonan na rin ng kaibigan ng biktima na kontakin ang pamilya nito para ipaalaman ang nangyari sa kanya at kung ang labi ba nito ay iuuwi sa kanilang bansa.

No comments:

Post a Comment