Wednesday, August 05, 2015

Banyaga lalaki, natagpuang patay sa isang lumang resort sa Nabaoy Malay

Posted August 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Image result for nagbigti
Isang lalaking banyaga na tinatayang nasa-edad 50-anyos ang natagpuang patay nitong alas-9 ng umaga sa hindi na nag-o-operate na resort sa brgy. Nabaoy sa bayan ng Malay.

Base sa report ng Malay PNP nagbigti ang nasabing banyaga ngunit kasalukuyan parin nila itong iniimbistigahan kung saan nasa scene of the crime parin ang mga pulis.


Bagamat malayo ang lugar sa mismong proper ng nasabing bayan medyo pahirapan ang ginawang pagrespondi ng mga otoridad lalo na at medyo mahirap ang linya ng komuniskasyon sa lugar.

Samantala, inaalam pa ngayon ng mga otoridad ang pagkamatay ng biktima kung ito ba ay nagsadyang magpatiwakal o may-nangyaring foul play sa sa nasabing krimen.

No comments:

Post a Comment