Monday, August 03, 2015

“Legend of the Seas” muling dadaong sa isla ng Boracay ngayong Agosto

Posted August 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for “Legend of the Sea”Muling dadaong sa isla ng Boracay ang barkong “Legend of the Seas” ng Caribbean Cruise Ship ngayong buwan ng Agosto matapos ang unang pagbisita nito tatlong taon na ang nakakaraan.

Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, magpapatawag umano sila ng meeting ngayong Agosto-10 na gaganapin sa Casa Pilar Boracay kung saan dadaluhan naman ito ng mga Law-enforcers sa isla at mga concern agencies para paghandaan ang pagdating nito.

Nabatid na unang dumaong sa isla ang naturang barko noong Oktobre 2012 sakay ang mahigit sa dalawang libong pasahero mula sa ibat-ibang bansa.

Napag-alaman na ang “Legend of the Seas” ay kabilang sa mga nagpaabot ng kanilang komunikasyon sa pamahalaang probinsyal ng Aklan para sa kanilang tour sa isla ng Boracay ngayong taon.

Samantala, inaasahan naman ng Provincial Government ng Aklan sa pamamagitan ng Jetty Port Administration na maraming pang cruise ship ang dadaong sa isla ng Boracay bago magtapos ang taong ito na magdadala ng maraming mga turista sa sikat na isla.

No comments:

Post a Comment