Thursday, August 06, 2015

“Self accident” sanhi ng ikinamatay ng isang lalaki sa Boracay

Posted August 6, 2015
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for namatayIsang lalaki na nag-aagaw buhay ang isinugod sa Don Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital o Boracay Hospital kaninang umaga.

Sa blotter report ng Boracay PNP nakilala ang biktimang si Jimmy Arisga y Saclolo 22-anyos at residente ng Mindoro ngunit pansamantalang nakartira sa Brgy. Caticlan, Malay, Aklan.

Nabatid na alas-8:45 ng umaga ng isugod ito sa nasabing pagamutan ngunit bandang alas-9 ng kaparehong araw ay idiniklara itong patay ni Dr. Florence Audrey Mamon.

Kaugnay nito patuloy parin ngayong inaalam ng mga pulis ang dahilan ng pagkamatay ng biktima ngunit sa kanilang inisyal na embistigasyon ito umano ay nakuryente at nahulog sa Club haven Hotel resort sa Brgy. Balabag Boracay kung saan siya nagtratrabo bilang isang construction worker.

Samantala, nasa pangangalaga pa ngayon ng isang punerarya sa bayan ng Malay ang katawan ng biktima habang patuloy pang inaantay ang resulta ng ikinamatay nito.

No comments:

Post a Comment