Posted August 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Himas rihas sa Aklan BJMP sa Brgy. Nalook, Kalibo si
Maria Conception “Ka Concha” Araneta Bocala ang secretary-general ng Communist
Party of the Philippines (CPP) Panay Regional Party Committee.
Ito ay matapos siyang maaretso noong nakaraang Sabado sa
Calumpang, Molo, Iloilo City base sa inilabas na warrant of arrest sa kasong
murder ng Branch 2, Aklan RTC.
Ang 65-anyos na si Ka Concha ay nahaharap sa kasong
pagpatay sa biktimang si Metodio Inisa noong Setyembre 17, 1975 sa Brgy.
Panipiason sa bayan ng Madalag, Aklan kung saan kasama rin sa mga suspek rito
ay ang dalawa pang miyembro ng CPP-NPA na si Roberto alyas “Ka Iking” at “Noel”.
Napag-alaman na sinamapahan din ng kasong illegal
possession of firearms and explosive sa korte ng Iloilo si Bocala matapos na
makuha sa posisyon nito ang isang granda, baril at mga bala.
Nabatid na si Bocala na bahagi ng CPP-NPA central committee
ay may patong sa ulo na umaabot sa P7.5 million kung saan may kinakaharap rin
itong kasong rebelyon na isinampa may 15 taon na ang nakaraan.
Samantala, napag-alaman na ipinipilit naman ni Ka Concha
na iligal ang pag-aresto sa kanya ng Criminal investigation and Detection Group
(CIDG) at ng Military Intelligence Group sa Calumpang, Molo.
Sa ngayon mas-pinaigting naman ng mga kapulisan ang
seguridad sa lahat ng bayan sa Aklan at sa kalapit na probinsya.
No comments:
Post a Comment