Saturday, August 08, 2015

Boracay PNP kinilala bilang 2015 Best Performing Police Station sa Aklan

Posted August 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kinilala nitong Hulyo ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) bilang 2015 Best Performing Police Station sa larangan ng Police Community Relations sa probinsya.

Ito ay dahil sa maganda nilang ipinakitang mga programa para sa komunidad at residente sa isla ng Boracay lalo na sa mga turista.

Maliban dito kinilala rin bilang Best PCR PNCO si PO3 Christopher Mendoza dahil sa kanyang magandang performance na ipinakita sa Aklan Police Provincial Office kung saan ang BTAC ay itinanghal na number 1 sa isinagawang Unit Performance Evaluation Rating noong Hulyo 2014 hanggang Hulyo 2015 sa pamamagitan ng Police Community Relations accomplishment.

Ikinatuwa naman ni Mendoza ang nakuhang parangal kung kayat nagpapasalamat naman ito sa kanilang mga naging partner agencies sa ibat-ibang community at school based projects at activities na ginawa para sa ikabubuti ng komunidad sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment