YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 04, 2015

Pag-invest ng Ciwong.com sa Boracay inaasahang maisasakatuparan ayon kay Wang

Posted August 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo credit to Felix Delos Santos
Inaasahan umano ni J Xaing Wang CEO ng Ciwong.com na maisasakatuparan ang kanilang kahilingan na makapag-invest ang Asian Pacific TESOL Society (APTESOL) sa Boracay.

Ito’y matapos siyang makipagdayalogo sa Local Government Unit ng Malay sa ginanap na conference kahapon para sa Teachers Training Workshop sa Shangri-La Boracay na dinaluhan naman ng mga guro mula sa bansang China.

Nabatid na nagtungo ang grupo ni Wang sa Boracay para mapalawak ang kaalaman ng mga Chinese Teachers sa English at scholar maging ang mga Universidad at bansang kasama sa Pacific Rim kung saan layun nilang e-expand ang kanilang proyekto sa isla upang makapaglikha ng maraming job opportunities lalo na ang mga mahilig sa online teaching.

Ayon pa kay Wang sakaling maitayo ito sa bansa partikular sa isla ay malaking tulong ito sa mga mamamayan kung saan triple ang magiging sahod ng mga guro para rito.

Kaugnay nito nakasalalay naman sa magiging desisyon ng LGU Malay ang nasabing usapin at kung maaaprobahan ba ang kanilang kahilingan na makapag-invest sa Boracay.

Samantala, ito ang kauna-unahang nagtungo ang APTESOL ng ciwong.com sa Pilipinas lalo na sa isla ng Boracay para sa nasabing proyekto.

No comments:

Post a Comment