Posted August 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong alas-9 ng umaga ay ililunsad ng Local Government
Unit ng Malay ang “Kabalikat ni Jaun” para ma-protektahan ang kapaligiran.
Ang Kabalikat ni Juan ay isang bagong local television
program na magbibigay ng impormasyon sa lokal na komunidad tungkol sa
pagsisikap ng LGU Malay at ng Non-Government Organizations (NGOs) bilang
kanilang aktibong partner proponent sa pag-protekta sa kapaligiran.
Isa sa kanilang misyon ay ang himukin ang komunidad na
maging parti ng environmental program ng LGU Malay lalo na ang mga kabataan sa Malay
kung saan magkakaroon din sila ng segment sa nasabing television program.
Samantala, ang launching ng “Kabalikat ni Jaun” ay
gaganapin ngayong alas-9 ng umaga sa Eurotel Boracay, Station 2 Balabag, Malay,
Aklan.
No comments:
Post a Comment