Saturday, August 08, 2015

Problema sa linya ng tubig ng mga residente sa Balinghai Yapak inilapit sa SB Malay

Posted August 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for water supplyInilapit ng mga residente ng Balinghai Yapak sa Boracay ang kanilang problema sa linya tubig sa Sangguniang Bayan ng Malay.

Sa nakaraang SB Session nitong Martes isang petition letter ang ipinadala ng mga residente ng Balinghai para ipaalam sa konseho ang kanilang problema at upang magawan ng agarang aksyon.

Nabatid kasi na ang dahilan ng pagkawala ng tubig sa lugar ay dahil sa pinuputol umano ng hindi matukoy na mga personalidad ang mga tubo ng tubig na dumadaloy sa mga kabahayaan sa Balinghai.

Dahil dito gumawa na rin ng aksyon ang Brgy. Official’s ng Yapak kung saan inutusan na rin ni Brgy. Captain Hector Casidsid ang mga brgy. Tanod na magbantay sa naturang lugar para mahuli kung sino man ang gumagawa nito.

Samantala, nagsagawa naman ng Committee Hearing ang Sangguniang Bayan ng Malay para mabigyan ng aksyon ang naturang problema.

No comments:

Post a Comment