Posted December 1, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Katatapos lang ang
ginagawang selebrasyon para sa World’s Aid Day sa Isla ng Boracay na dinaluhan
ng mahigit sa isandaan at limampung mga partisipante mula sa LGU, Non and
Government sectors and organization, hotels & resorts, mga establisyemento,
supporters, advocates at volunteers.
Ipinaabot ni Dr. Adrian
Salaver ng Municipal Health Office ng bayan ng Malay, na hindi sila masaya na
dumarami na ang nagiging ng sakit na ito.
Aniya, ang layon
umano ng programang ito ay para magbigay ingay at magdagdag ng awareness hindi
lang sa mga apektado nito kundi pati na rin sa mga kabataan na isa sa mga naaapektuhan
ng nasabing sakit.
Kaugnay nito, sa naging
panayam naman ng himpilang ito kay MHO Nurse II Arbie Aspiras, sa ngayon may
nai-rekord na silang dalawampung kaso ng HIV/ AIDS na patuloy pang minomonitor
sa bayan ng Malay. Habang sa probinsya ng Aklan naman ay mayroong naitalang
walumpu na patuloy pang binabantayan.
Nabatid na, sa
datos na ipinakita ng Aklan Provincial Health Officer 2 Dr. Cornelio Cuachon Jr
, umabot na sa mahigit 38,113 ang apektado ng sakit na ito kung saan may 2
porsyento na na-distribute ang Region 6 sa buong Pilipinas.
Dagdag pa nito,
ang may pinakamataas na naitala sa bilang ng nagkakaroon ng HIV/ AIDS ay mula
sa MSM o ang male to male na pagtatalik.
Samantala,
ipinaabot dito na napakahalaga na maintindihan natin ang tungkol sa usaping ito
ng sa ganon ay masolusyonan na ang nasabing problema.
No comments:
Post a Comment