YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, December 03, 2016

“Jail no child” advocacy ng DSWD, isinusulong

Posted December 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Isinusulong ngayon ng Department of Social Welfare and Development Office o (DSWD) ang kanilang adbokasiya patungkol sa “Jail no Child”.

Isa ito sa mga naging topiko sa ginanap kahapon na Year End Forum with the Media and Cap Build on Reporting about Children in Difficult Circumstances kung saan naging pangunahing bisita dito ay nagmula sa DSWD Region 6, Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4P’s at Social Pension o SSS na dinaluhan naman ng mga Media sa Aklan, Antique, Capiz at Iloilo.

Binuksan ang usapin ni Katherine Joy Lamprea of the Juvenile Justice & Welfare (JJWC) of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 6, kung saan nagpakita ito ng video presentation kaugnay sa mga menor-de-edad na mga kabataan na ang tanging alam na gawin ay magnakaw para lang may makain.

Sa naturang presentasyon nagpapatunay na hindi naman nila gusto ang kanilang ginagawang pagnanakaw sa kanilang kapwa kundi ang isang bata na katulad nila ay nangangailangan lang ng atensyon at kalinga ng kanilang magulang.

Ayon pa kay Lamprea,  umano sa Minimum Age of Criminal Responsibility (MACR) ang mga kabataang nagnanakaw ay hindi mapapatawan ng kaukulang penalidad kung ito ay nasa minimun age.

Kaugnay nito,gusto ring ipaabot ni Lamprea na kung sakali ay gumawa ng isang ordinansa ang mga barangay officials ng responsible parenthood para na rin sa proteksyon ng mga kabataan, dahil ang kalinga pa din umano ng mga magulang ang siyang sagot sa problema para maiwasan  ng mga kabataan ang mga hindi magagandang gawain.

No comments:

Post a Comment