Wednesday, November 30, 2016

Turistang nagpamasahe sa kanyang tinutuluyang hotel, ninakawan

Posted November 26, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for theft words
Hindi lubos akalain ng isang turistang Amerikano na siya ay mabibiktima ng isang nagpakilalang masahista ng siya ay pagnakawan habang siya ay minamasahe sa hotel kung saan siya nanunuluyan.


Ang biktima ay kinilala na si Jorgen Valentin, 49-anyos at temporaryong nakatira sa hotel sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay.

Base sa reklamo ng biktima sa Boracay PNP, inalok umano siya ng nagpakilalang alyas “trisha” ng masahe kung saan nagkakahalaga ito ng P 500 na kanya namang pinaunlakan.

Dahil dito, dumiretso naman umano sila sa hotel na kaniyang tinutuluyan para sa nasabing sesyon kung saan dahil umano sa kalasingan nito ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Ayon pa sa biktima, nang magising na siya ng madaling araw laking gulat nalang nito na nawawala na ang kanyang maleta kung saan nakalagay ang kanyang pera na nagkakahalaga ng mahigit P 40, 000.

Samantala, dahil sa pangyayari, pinaniniwalaan naman umano ng biktima na tanging si alyas “trisha” na nagmasahe sa kanya ang suspek sa pagnakaw ng kanyang pera.

Ini-imbestigahan naman ng mga pulis ang naturang hotel kung ito ba ay may CCTV footage para makilala ang pagkakakilanlan ng suspek.

No comments:

Post a Comment